🩸 BLOOD DONATION DRIVE 2026 🩸
Ipinapakita ng bayanihan at malasakit sa kapwa ang matagumpay na pagsasagawa ng Blood Donation Drive 2026 na pinangungunahan ng Liga ng mga Barangay – Palanan sa pamumuno ni LNB President ANGELINA A. BERNARDO, sa pakikipagtulungan ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Nakiisa sa makabuluhang gawaing ito si Mayor ANGELO A. BERNARDO kasama ang iba pang mga opisyal ng bayan. Buong suporta rin ang ipinapakita ng Staff at Medical Team ng Rural Health Unit – Palanan at Department of Health (DOH) sa pamumuno ni Dr. CG Atienza, bilang pakikiambag sa layuning makapagbigay ng pag-asa at makapagligtas ng buhay sa pamamagitan ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo.
Inaanyayahan po ang lahat ng kwalipikadong mamamayan ng Palanan na makibahagi sa aktibidad na ito. Ang inyong munting handog na dugo ay maaaring maging malaking pag-asa at bagong buhay para sa mga nangangailangan.
Maging bayani. Mag-donate ng dugo. Magligtas ng buhay. 

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1JJb1n6dBw/