1st Local Health System Summit 2024.
Nais naming ibahagi at ipagdiwang ang mga kahanga-hangang tagumpay ng Lgu Palanan Isabela sa pamumuno, dedikasyon at suporta ng ating Alkalde, Hon. Angelo A. Bernardo sa naganap na 1st Local Health System Summit 2024.
Ang mga pagkilalang ito ay nagpapakita ng dedikasyon, sakripisyo at pagsusumikap ng lahat ng mga manggagawa ng Municipal Health Office. Nawa’y patuloy pa tayong magsumikap at maghatid ng serbisyo para sa patuloy na kahusayan at mas malusog na kinabukasan para sa lahat ng Palaneños! #AngatAngKalusuganngBayan