3-Day SSS Activity sa Palanan, Matagumpay na Naisakatuparan; MOA para sa mga JO/COS, Nilagdaan Na
Naging napakatagumpay ng aming tatlong araw na aktibidad sa bayan ng Palanan. Narito ang mga naging bahagi nito:
1. Pagsasagawa ng SSS eWheels upang mailapit ang mga serbisyo ng SSS sa ating mga komunidad sa baybayin (coastal communities).
2. Iba’t-ibang informarion at coverage drive para sa mga JO/COS at Regular na empleyado ng LGU Palanan, CENRO Palanan, mga nagtapos na 4Ps Beneficiaries, at mga maliit na negosyante o self employed.
3. Paglagda sa MOA para sa proteksyon panlipunan (social security protection) ng mga JO/COS ng LGU Palanan at boluntaryong pagiging miyembrro ng kanilang mga regular at permanenteng empleyado.
Taus-puso ang aming pasasalamat sa LGU ng Palanan sa pamumuno ni Hon. Mayor Angelo Bernardo para sa matatag na pakikipagtulungan sa pagdaraos ng ating SSS eWheels at paglagda sa MOA para sa coverage ng mga JO/COS.
Aming espesyal na pasasalamat din po kay VM Elizabeth Ochoa at sa SB council para sa pagpasa ng resolution. Kay Sir Melvin Catilo ng HR at sa iba pang mga Dept. Heads, gayundin kay Maam Bellen ng OSCA at sa mga staff, maraming salamat sa inyong tulong at support
Maraming salamat din kina Sir Nelson Lorenzo at Maam Dianela Ochoa sa paggabay at tulong noong face-to-face at remote info drive para sa CENRO Palanan.
Sa lahat po ng mga dumalo at nakibahagi sa aming programa, isang malaking karangalan ang paglingkuran kayo. Ang inyong pagdalo ang nagtaguyod sa tagumpay ng aktibidad na ito.
Higit sa lahat, salamat sa Panginoon sa pagbibigay sa amin ng lakas upang mapaglingkuran ang aming mga miyembro.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1iz9jxnvZ1/