Skip to main content

5-Day Training on Inbred Rice Seed Production and Certification

PALANAN, ISABELA
🌾5-Day Training on Inbred Rice Seed Production and Certification.
Kasalukuyang isinasagawa sa Palanan, Isabela ang 5-Day Training on Inbred Rice Seed Production and Certification, sa pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Palanan sa pamumuno ni Mayor ANGELO “Bimbo” A. BERNARDO, katuwang ang Office of the Municipal Agriculturist na pinangungunahan nina Dr. Jose Marie Gorospe Monteclaro at Mr. Alven S. Lorenzo, kaagapay ang Provincial Government of Isabela (PGI).
Ang pagsasanay ay isinusulong ng Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry at PhilRice, na naglalayong bigyan ng sapat na kaalaman ang ating mga magsasaka at seed growers sa tamang land preparation, crop establishment, pest & nutrient management, harvesting, at seed certification standards upang matiyak ang mataas na kalidad ng inbred rice seeds.
Sa loob ng limang araw, ang LGU Palanan katuwang ang ibang ahensya na patatagin ng kakayahan ng ating mga magsasaka tungo sa masaganang ani, mas mataas na kita, at mas matatag na kabuhayan para sa bawat Palaneño.
Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela