
BAGONG PATAKARAN para sa mga Nagnanais Umuwi o Pumasok sa Bayan ng Palanan
Ang probinsya ng Isabela ay sasailalim parin sa General Community Quarantine hanggang June 30, 2020. Kaugnay nito, narito ang mga BAGONG PATAKARAN para sa mga nagnanais umuwi o pumasok sa bayan ng Palanan. Nakapaloob din ang updated na Specific Guidelines na dapat sundin.
Ipinapaalala din namin sa lahat ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa ating mga Balik-Palanan Coordinators BAGO UMUWI o BUMIYAHE.
Ang ating Balik-Palanan Coordinators ay sina Rubyjane Martinez Mang-usan at Scarlette Mae Bernardo Ochoa na mahahanap sa LGU-Palanan Sub office, #69 Mabini St., District 3, Cauayan City. Ang oras ng transaksyon ay mula 8am-5pm lamang.
Rubyjane – 0955 413 5961
Scarlette Mae – 0920 948 2859
MGA DOKUMENTONG KAILANGANG IHANDA O KUNIN:
>Medical Certificate galing sa City/Municipal >Health Office (signed by Doctor)
>Travel Authority from PNP (kapag galing sa labas ng probinsiya ng Isabela o region 2)
>2 kopya ng Balik Palanan Information Sheet and Agreement Form0
>Health Declaration Form
>LSI Registration Form (Kapag LSI)
>Certificate of Completion of Home/Facility Quarantine (if previously tagged as PUM or PUI)
>Para sa non residents with Official Business – Travel Order
>Para sa OFWs and Seafarers – Certificate of Completion of Mandatory Facility Quarantine and copy of passport
Maaring i-sumite ang mga dokumento sa LGU Sub Office o iemail sa [email protected]. Huwag kalimutang ipag-bigay alam sa mga coordinators kung naipadala na sa email.
Maraming salamat po!