
BAGYO NA BINABANTAYAN SA LABAS NG BANSA, MULING LUMAKAS SA SUPER TYPHOON CATEGORY-PAGASA
BAGYO NA BINABANTAYAN SA LABAS NG BANSA, MULING LUMAKAS SA SUPER TYPHOON CATEGORY-PAGASA
Muling lumakas sa super typhoon category ang binabantayang sama ng panahon na may international name na “MAWAR” ayon sa PAGASA.
Ayon sa naturang tanggapan, ang bagyo ay kasalukuyang nasa layong 2,150km Silangan ng Timog Luzon at taglay ang lakas ng hangin na 185kph malapit sa gitna at pagbugso na 230kph.
Kumikilos umano ito ng kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15kph at may kasalukuyang lawak o current diameter na 780km.
Malaki umano ang tiyansa na pumasok ng PAR ang bagyo sa araw ng Biyernes o umaga ng Sabado na tatawaging “Betty”.
Sa weekend ay kikilos ang bagyo ng hilagang kanlurang at unti-unti ng mararamdaman ang epekto nito sa bansa.
Sa ngayon, wala pa umanong direktang epekto ito sa anumang parte ng bansa.
Samantala, posibleng makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw dahil naman sa Southwesterly windflow o ang hangin na galing sa timog kanluran. (Digna Bingayen)