Skip to main content

Barangay Visit: Congressman ED CHRISTOPHER S. GO

PALANAN, ISABELA:
BARANGAY VISIT handog ni Hon. Congressman ED CHRISTOPHER S. GO!
Ang ginanap na Barangay Visit sa Bayan ng Palanan ay isa lamang sa di-matatawarang serbisyo ng DOBLE GO SERBISYO na syang nagsilbing tanglaw para sa mga mamamayan ng Palanan, Isabela sa pangunguna ng mahal nating 2nd District Congressman, Hon. ED CHRISTOPHER S. GO, kasama ang butihing Mayor ng Bayan ng Palanan, Hon. Mayor ANGELO “Bimbo” A. BERNARDO at Hon. Vice Mayor ELIZABETH “Betty”B. OCHOA at ang mga mahahalagang opisyal na sina Hon. BM ED CHRISTIAN S. GO, at Hon. BM EDGAR “ Egay” CAPUCHINO gayundin ang mga Sangguniang Bayan Members ng Palanan
Bahagi ng mga aktibidad ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtalakayan sa mga mamamayan ng Palanan. Kasabay rin nito ay ang matagumpay ng Ribbon Cutting para sa mga Multi-Purpose Building sa bawat barangay na isa lamang sa mga proyekto ng ating butihing Congressman, gayundin ang pamimigay ng food packs at ayuda para sa bawat tahanan lalong-lalo na sa mga Senior Citizens ng ating bayan.
Ito rin ay isang pagkakataon upang mapakinggan ang mga hinaing, alamin ang mga pangangailangan, at iparating ang mga programa at proyekto na nakalaan para sa mga mamamayan ng Palanan na makakatulong sa ating komunidad.
Isa ring pasasalamat at pagpupugay para sa Barangay Officials ng Bayan ng Palanan sa pangunguna ng ating aktibong LNB President, Hon. ANGELINA “Tetoy” A. BERNARDO, para sa kanilang ipinakitang SUPORTA at DEDIKASYON para sa matagumpay at maayos na pagdaos ng programa.
Ang personal na pagbisitang ito ay isa ring paraan para masubaybayan ang progreso ng mga proyekto at programang ipinapatupad sa bawat barangay at higit sa lahat ay ang pagpapakita ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa ating komunidad.
#BarangaySanIsidro
#BarangayMaligaya
#BarangayCulasi
#BarangayDialawyao
#BarangayDimaliculicu
#BarangayDimasari
#BarangayDidaddungan
#BarangayDicadyuan
#BarangayDimatican
#BarangayMarikit
#BarangayDidiyan
#BarangayStaJacinta
#BarangayBisag
#BarangayVillaRobles
#BarangayAlomanay
#BarangayDicabisaganEast
#BarangayDicabisaganWest
#AAB
#AkayonAgadparasaBayan
#BimboBettyontheGO
#ArangkadaPalanan

Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela