Bawat Barangay Makikinabang Program (BBMP)!
Matagumpay na pinangunahan nina Isabela Vice Governor KIKO DY at National LNB President Ms. JESSICA DY, kasama sina Mayor ANGELO “Bimbo” BERNARDO, Vice Mayor ELIZABETH “Betty” OCHOA, at ang mga Sangguniang Bayan Members, ang pamamahagi ng Socio-Civic Project Fund (SCPF) sa 17 barangays na kinatawan ng mga Punong Barangay at mga piling estudyante ng Palanan, Isabela.
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong FERDINAND R. MARCOS JR., bawat barangay sa bansa ay tumatanggap ng ₱200,000 pondo mula sa SCPF:
• ₱100,000 para sa Edukasyon/Scholarship – ₱20,000 para sa Barangay Scholars.
• ₱100,000 para sa Proyekto ng Komunidad – para sa mga kagamitan at proyektong pang-barangay ayon sa pangangailangan ng mga residente.
Isang hakbang tungo sa mas inklusibong kaunlaran at maliwanag na kinabukasan para sa kabataan at komunidad.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/v/1Bu4wKjXh3/