Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman
PALANAN, ISABELA
BRIGADA ESKWELA 2026:”Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
Pinangunahan ng LGU Palanan employees sa pamumuno ni Mayor Angelo A. Bernardo, katuwang ang DepEd Palanan District, Philippine Army, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, PNP Palanan, Barangay Officials, at mga magulang, ang matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2026.
Sama-samang naglinis at nagpaganda sa iba’t ibang paaralan sa Palanan upang matiyak ang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mag-aaral.









