Skip to main content

BHW ISKWELA 3rd QUARTER AWARDING CEREMONY OF TOP PERFORMING BHW/BNS

PAGPUPUGAY 👀❤️| BHW ISKWELA 3rd QUARTER AWARDING CEREMONY OF TOP PERFORMING BHW/BNS | September 27, 2022
Upang mapalawig pa ang kaalaman at kakayahan ng bawat Barangay Health Worker inIlunsad noong nakaraang taon ang BHW ISKWELA sa pangunguna at inisyatibo ng ating Municipal Heath Officer na si Dr. Clarish Atienza sa tulong ng mga kanyang mga kasamahan sa departamento. Ito po ay isang training/lecture series para sa ating mga BHW na ginaganap isang araw kada buwan para maging gabay para mas mapaganda pa ang serbisyong pangkalusugan. Sa programang ito, nagkakaroon po sila ng mga pagsasanay at pagsusulit sa ibat ibang programang pangkalusungan.
Kinilala naman at binigyan ng pagpupugay sa araw na ito ang ilan sa mga Barangay Health Workers na nagpakita at nagpamalas ng galing at husay sa ating BHW iskwela ngayong 3rd quarter ng taon. Sila ay nakatanggap ng sertipiko at mga gift packs upang mapaghusayan pa nila ang kanilang mga gawain.
Ang pamunuan po ng Municipal Health Office ay lubos na nagpapasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Palanan sa na pinapangunahan ni Mayor Bimbo Bernardo at Bise Mayor Betty Ochoa sa walang sawang pagsuporta sa programang ito para sa mga Barangay Health Workers.
#BidaAngBHWsaGIDA #PamilyangAngatsaKalusugan
#BimboBettyOnTheGO
#AksyonAgadParaSaBayan

Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela