
Difference in “CONFIRMED CASE”, “PUI o Patient Under Investigation” at “PUM o Person Under Monitoring”
Marami paring nalilito kaya pasadahan natin ang “CONFIRMED CASE”, “PUI o Patient Under Investigation” at “PUM o Person Under Monitoring”.
1. CONFIRMED CASE – taong may Laboratory Confirmation ng COVID-19 infection, regardless sa senyales at sintomas ng sakit.
2. PUI o Patient Under Investigation – mga taong may sintomas tulad ng lagnat, kinakapos sa paghinga, pagtatae, ubo o dry cough, nagbyahe sa mga lugar kung saan may kompirmadong kaso ng sakit o nagkaroon ng close contact sa kumpirmadong kaso ng COVID-19.
3. PUM o Person Under Monitoring – mga taong walang sintomas ngunit may travel history sa mga lugar kung saan may positibong kaso ng sakit, nakisalamuha sa kumpirmadong kaso na walang maayos na gamit pangproteksyon sa sarili.
MGA DAPAT TANDAAN:
1. Ang PUI o Patient Under Investigation ay hindi nangangahulugang nagpositibo na sa COVID-19, kasama ang pagsusuri sa imbestigasyon upang matiyak kung positibo nga ba sa sakit o hindi.
2. Ang lahat ng PUM o Person Under Monitoring ay kailangang sumailalim sa HOME QUARANTINE sa loob ng 14 na araw mula sa araw na huling na-expose o pagkauwi mula sa mga lugar na may positibong kaso ng COVID-19.
3. May mga simultaneous check points papasok ng rehiyon/probinsya upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan kaya’t mangyaring makiisa at huwag mainis.
4. Kung may kakilala o miyembro ng pamilya na may travel history, may sintomas, mangyaring i-report kaagad sa BHERT o Barangay Health Emergency Response Team (Barangay Officials, Nurses & Midwives, BNS, BHWs, Barangay Police) upang mabigyan ng kaukulang aksyon.
5. Manatili muna sa bahay upang maiwasan ang sakit.
6. Maging malinis, maghugas palagi ng kamay, kumain ng masusustansyang pagkain.
7. Kung ikaw ay lumalabas, panatilihing may social distance ka.
8. Iwasan muna ang mga matataong lugar tulad ng Mall, Palengke etc. Ikansela muna ang mga pagtitipon.
9. Huwag maniwala sa mga Post sa social media na mayroong positibong kaso sa inyong lugar kung ito ay hindi kinumpirma ng DOH. Kaya’t hinihikayat ang lahat na sa mga reliable sources lamang tulad ng FB page ng DOH Department of Health (Philippines).
10. Magdasal.
Lahat po ay hinihikayat na sumunod sa mga ibinabang patakaran ng national government upang maiwasan na po ang pagdami pa ng kaso ng COVID-19. Maraming Salamat.