Elderly Week Celebration 2026
Dinaluhan ni Mayor ANGELO A. BERNARDO kasama ang kanyang maybahay na si Sangguniang Bayan Member Eden Bernardo ang pagdiriwang ng Elderly Week 2026 bilang pakikiisa sa pagbibigay-pugay at pagkilala sa mahalagang ambag ng ating mga nakatatanda sa komunidad.
Dinaluhan din ang nasabing programa ng iba pang mga opisyal ng bayan, OSCA President Diosdado G. Donato, at ng mga miyembro ng samahan ng mga senior citizen.
Ang matagumpay na pagdiriwang ay naisakatuparan sa pamamagitan ng maayos na organisasyon ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office sa pangunguna ni Ma’am Elma Orge Gonzales
Sa pagdiriwang na ito, muling kinilala ang karunungan, karanasan, at walang sawang kontribusyon ng ating mga nakatatanda na patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa bawat Palaneño.
Mabuhay ang ating mga Senior Citizens! 


CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1KJ13t9GC3/