FOOD HANDLERS SUMMIT 2023

🗞️BALITA🗞️ || FOOD HANDLERS SUMMIT 2023
01.19.2023
Matagumpay na naidaos ng Rural Health Unit Palanan ang Food Handlers Summit nitong Huwebes sa pangunguna nina Dr. Clarish Gei L. Atienza at Rural Sanitary Inspector, Ma’am Charivel C. Manzano.
Napagusapan sa naturang aktibidad ang mga sumusunod:
✔️Health and Sanitation Code
✔️Food Safety and Hygiene
✔️Food and Water-Borne Diseases
Ang pagtitipong ito ay dinaluhan ng isang daan at dalawampung (120) kalahok mula sa iba’t ibang Barangay. Dinaluhan din po ito ng ating SB on Health Pacita Q. Atanacio at ng ating BPLO, Ma’am Genevie C. Cabaldo upang masagot at mabigyang linaw ang ibang katanungan at inpormasyon.
Nilalayon nito na panatilihing panatag ang loob, maayos, mapabuti at ligtas ang kalusugan ng mamimiling mamamayan ng Palanan.
#sapagkainkoligtasako
#HealthyPalanan #LigtasAtMalinisNaPagkainSaBawatPalaneño
————————————————
Gusto mo ba ng HEALTH UPDATES? Lumapit lamang sa pinakamalapit na Brgy. Health Station at sumangguni rin sa RHU-Palanan mula LUNES hanggang BIYERNES, 8am-5pm.
Tumawag at magmensahe:
RHU Hotline: 0935-204-3871
HEPU Hotline: 0977-293-8925



Copyright © 2016. Municipality of Palanan, Province of Isabela. All rights reserved.

Powered By:

Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela