Skip to main content

January 30, 2024 | PALANAN, ISABELA

Pinangunahan ni Mayor ANGELO “Bimbo” A. BERNARDO kasama ang ating Vice Mayor Elizabeth Betty Bernardo Ochoa at mga opisyaleng Palanan, gayundin sina MLGOO Izza Sucuano at Dr. Jose Marie Gorospe Monteclaro ang paglulunsad sa ‘KADIWA NG PANGULO’ sa Palanan, Isabela!
Ang KADIWA ay nangangahulugang ‘KAtuwang sa DIwa at GaWA’ para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita,’ isang estratehiya sa marketing ng gobyerno na tuwirang nag-uugnay sa mga prodyuser ng pagkain sa mga mamimili, na nagpapababa ng presyo ng mga produkto.
Ang KADIWA ay isang inisyatiba ng Department of Agriculture (DA) na nakaprograma upang tiyakin ang kahandaan at abot-kayang presyo ng pagkain sa mga lugar na may mataas na pangangailangan at sa mga komunidad na may mga pamilyang may mababang kita.
#KadiwaNgPangulo
#AksyonAgadparasaBayan
#AAB
#MayorBimboInAction
#BimboBettyontheGO
#ArangkadaPalanan

Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela