Lahat ay maaaring maging mahusay, dahil lahat ay maaaring maglingkod
Sa diwa ng aming pasasalamat, nais lamang naming maglaan ng sandali na ipahayag ang aming taos-pusong pasasalamat para sa mga kahanga-hangang tao na natipon dito. Lalong lalo na sa ama ng ating bayan Hon. ANGELO A BERNARDO, at ganun din sa mababait at masipag na SB member sa panguna ni SB EJ BERNARDO, na nagbigay ng tulong para sa ating mga mga magulang at mag-aaral ng DIPADSANGAN ELEMENTARY SCHOOL, maraming salamat po sa pag bibigay ng dalawang bombahan para sa aming mga mag aaral, hindi na po mahihirapan ang ating mga mag-aaral at umigib ng kanilang inumin sa ilog. Kay SB NUNU ATIENZA, sa pagbibigay ng mga PVC para din po sa ating bombahan, 1 container na gasolina at langis para sa aming gagawing resthouse, upang ang mga mag-aaral natin pati na ang mga magulang ay may pahingahan sa loob ng paaralan. Maraming salamat po, malaking tulong din po ito. Asahan niyo po na lahat po ay makikinabang. Ang iyong suporta, pagmamahal, kagalakan, ay ginawang mas madali ang aming buhay dito sa sitio dipadsangan, at kay SB ONAD BERNARDO na nagpaabot rin ng tulong at kasiyahan sa ating mga mag-aaral maraming salamat sa binigay mo pong CANDIES napaka tamis po ng kanilang mga ngiti dahil sa kanilang mga natanggap. Sa ating former SK FEDERATION, JUSTINE KERBY BERNARDO na nagbigay din po ng cash para sa gagawing resthouse maraming salamat din po at sa libreng pakain ng lugaw napakasarap pong tingnan ng mga bata habang kumakain sila at nakikita ang saya sa kanilang mga mata. At sa kasalukuyang SK FEDERATION, JOAQUIN BAUSTISTA maraming salamat sa pagbibigay ng mga gamit panlaro, malaking tulong po ito sa ating mga mag aaral na may kakayahang maging atleta sa mga susunod na panahon. Kahit napakalayo ng aming sitio ay hindi po kayo nag alangan na puntahan kami dito. Sa ating Kapitan LARRY MAGAS na patuloy na sumusuporta at umaalalay sa amin. Maraming salamat din po. Sa mga kasama po na staffs ng ating mga SB at nurses na sumama rin po upang tumulong at nagpaabot ng mga gamot at water containers Maraming salamat sa suporta at partisipasyon. Lubos na nagpapasalamat ang lahat nawa’y manatali ang pagmamahal at pagkakaisa sa ating lahat! PAG PAPALA NEN DIYOS PO EN MARANASAN MOY!