Skip to main content

LAUNCHING OF JANUARY 2023 DEWORMING ACTIVITY and BHW Monthly Meeting

🗞️TIGNAN🗞️ || LAUNCHING OF JANUARY 2023 DEWORMING ACTIVITY and BHW Monthly Meeting
01.24.2023
Nagsama sama na namang muli ang masisipag na Brgy. Health Workers at Brgy. Nutrition Scholars ng RHU Palanan para sa Buwanang Pagtitipon upang pag-usapan ang iba’t ibang Programang Pangkalusugan at para masimulan na ang Deworming Activity sa ating Bayan.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan nila Dr. Clarish Gei L. Atienza, Ma’am Mary Ann Bernardo at Ma’am Lorilyn Palattao na syang tumalakay sa usapin ng Deworming Activity.
Natalakay dito ang mga sumusunod na usapin:
✅Guidelines on Mass drug administration
✅Census & Age Grouping Updates
✅Garantisadong Pambata
✅RHU and DOH HRH Deployment to New Catchment
✅OPT Reporting
Ang buwanang pagkikita na ito ay naglalayong mapagusapan ang kanya kanyang estratihiya ng 17 Brgys. upang maisaayos ang pagbibigay serbisyo pangkalusugan.
#PalananPalabanSaBulate #SanaAllWalangKahatiSanaAllWalangBulate
#AksyonAgadParaSaKalusuganngBayan
#ALLforHEALTHYPALANAN
————————————————
Gusto mo ba ng HEALTH UPDATES? Lumapit lamang sa pinakamalapit na Brgy. Health Station at sumangguni rin sa RHU-Palanan mula LUNES hanggang BIYERNES, 8am-5pm.
Tumawag at magmensahe:
RHU Hotline: 0935-204-3871
HEPU Hotline: 0977-293-8925
Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela