
LGU PALANAN CELEBRATES FILIPINO ELDERLY WEEK
Look👀 | LGU PALANAN CELEBRATES FILIPINO ELDERLY WEEK| OCTOBER 26, 2022
Dinaluhan at aktibong nakilahok po sa iba’t ibang aktibidades po ng mga senior citizens ng labinpitong barangay ang selebrasyon ng ELDERLY WEEK celebration 2022.
Sa pagtutulungan ng Municipal Health Office and Municipal Social and Welfare Development Office, mga masisipag na Health Workers at Day Care Workers na nagkaroon ng masaya at makahulugan pagdiriwang ng Elderly Week sa ating bayan.
Nagbigay ng Info Drive: “Lakbay sa Pagtanda” ang ating Municipal Health Officer na Dr. Clarish Gei Atienza. Kinabibilangan ito ng mga impormasyon tungkol sa:
✅Wastong Alagang-Sustansya para kila lolo at lola
✅Self Care, Mental Health and Stress management sa mga matatanda
✅Ligtas na Ehersisyo para kila lolo at lola
✅Memorya, Pagtulog at Bakuna ng mga Senior
Ang selebrasyon na ito ay nagsisilbing paalala na pahalagaan, alagaan at bantayan natin ang kapakanan, kalusugan at kaligtasan ng ating mahal na mga lolo at lola.
#PalananElderlyWeek2022
#AksyonAgadparasaBayan
#bimbobettyonthego
#KalusuganParaKayLoloAtLola
✍️HEPU Bobet Lappay
📸SOCMOB Cherry Donato