Skip to main content

MDRRMO Palanan EOC Update | December 4, 2023

Sa ngayon, patuloy parin ang isinasagawang paghahanap ng ating Palanan Ground Search and Rescue Teams (Palanan Rescue Team, AFP, PNP, BFP, IP locals) ng nawawalang Piper Plane RPC1234, ang kanyang piloto, at nagiisang pasahero.
Ipagdasal po natin na matagpuan na sa lalong madaling panahon ang nawawalang eroplano at mga sakay nito. Gayundin, ipagdasal natin ang kaligtasan ng ating mga ground searchers sa panganib na dulot ng masungit na panahon sa kabundukan ng Sierra Madre.
Umasa po kayo na hindi po titigil ang Lokal na Pamahalaan ng Palanan at iba pang kinauukulang ahensiya hangga’t hindi matagpuan ang nasabing eroplano at kanyang mga sakay.
Maraming salamat sa lahat ng tao at ahensiya na patuloy na tumutulong at nagbibigay ng suporta para sa ikatatagumpay ng operasyong ito.

Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela