Skip to main content

MGA ASPIRANTENG LINGKOD-BAYAN SA PALANAN, NAKAPAGHAIN NG APLIKASYON PARA SA CIVIL SERVICE EXAMINATION

PALANAN, ISABELA: June 10, 2026
📌 SERVICE COAST Online Filing of Application for August 9, 2026 Civil Service Examination
Noong Hunyo 10, 2026 (7:00 AM – 5:00 PM), matagumpay na nakilahok ang mga nagnanais maging lingkod-bayan mula sa bayan ng Palanan sa SERVICE COAST Online Filing of Application para sa nalalapit na Civil Service Examination – Pen and Paper Test na gaganapin sa Agosto 9, 2026.
Sa pamamagitan ng inisyatiba ng LGU Palanan, sa pamumuno ni Mayor Angelo A. Bernardo at Municipal Vice Mayor Elizabeth B. Ochoa, katuwang ang walang sawang suporta ng Acting Municipal HRMO Sir Melvin D. Catilo at mga MHRMO Staff, matagumpay na naisagawa ang pagsasampa ng aplikasyon para sa Civil Service Examination.
Ang mahalagang tagumpay na ito ay higit pang pinagtibay ng matatag na dedikasyon ng Civil Service Commission – Isabela Field Office 02, sa pamumuno ni CSC FO2 Acting Director II Atty. Josephine Tabbu at Supervising Human Resource Specialist, Atty. Joanne Caliguiran-Baquiran , na nagbigay ng maayos at transparent na proseso para sa mga aplikante ng Palanan.
👏 Isang malaking pagpupugay sa lahat ng nagtrabaho nang buong puso upang maisakatuparan ang makabuluhang inisyatibang ito!
Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela