
OPERATION TULI 2023|| MAGPATULI PARA POGI
Handog ng Lokal na Pamahalaan ng ating bayan at ng Municipal Health Office sa tulong suporta ng ating Mayor Angelo A. Bernardo ang libreng tuli para sa mga batang Palaneño.
Naglibot po ang mga Nars at Midwife ng RHU sa pangunguna ng ating Municipal Health Officer, Dr. Clarish Atienza sa ibat ibang barangay upang maisagawa ang aktibidad na ito. Ang pagpapatuli ay naging tradisyon at tanda ng pagbibinata ngunit ang katotohanan ito ay isang medical procedure na kung saan mapapanatili ang kalusugan at kalinisan ng isang lalaki. Nasa 263 na mga bata ang nagpatuli sa naturang aktibidad na ito.
Taos puso po kming ngpapasalamat sa lahat po ng Punong Barangay upang maisakatuparan at mailapit at maihatid ang libreng tuli sa mga batang kalalakihan sa kanilang baranagay. Salamat din po sa mga MDRRMO staff and personel para sa pagtulong sa aming transportasyon.
#HealthyNaPOGIpa
#MagpaTULIparaPOGI
#AksyonAgadparasaBayan
—————————————————
Gusto mo ba ng HEALTH UPDATES? Lumapit lamang sa pinakamalapit na Brgy. Health Station at sumangguni rin sa RHU-Palanan mula LUNES hanggang BIYERNES, 8am-5pm.
Tumawag at magmensahe:
RHU Hotline: 0935-204-3871
HEPU Hotline: 0977-293-8925