Skip to main content

PABATID sa PUBLIKO!

Sa lahat ng mga may-ari at operator ng mga negosyo sa Bayan ng Palanan,
Magandang araw po! Ito ay isang paalala na ang inyong business permit ay nag expire na noong December 31, 2023. Ayon sa lokal na regulasyon, kinakailangang iparehistro muli ang inyong negosyo upang mapanatili ang legalidad nito.
Nais naming ipaalam sa inyo na ang deadline para sa pagpaparehistro ng inyong negosyo ay sa Enero 19, 2024. Habang ang aming serbisyo ay magtatapos, patuloy pa rin kaming nagbibigay ng pagkakataon para sa renewal ng business permit ngunit may kasamang penalty para sa mga hindi maagang nag-renew. Ang penalty ay ipapatupad simula sa Enero 22, 2024 at ito ay idadagdag sa kabuuang halaga ng inyong renewal.
Hinihikayat namin ang lahat na sumunod sa mga alituntunin at agad na kumpletuhin ang mga kinakailangang proseso para maiwasan ang anumang abala o multa. Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pang-unawa.
Lgu Palanan Isabela

Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela