Skip to main content

Paggunita sa MV KARAGATAN SAGA NG 1972 – “ARAW NG KATATAGAN”

July 4, 2026: PALANAN, ISABELA

Paggunita sa MV KARAGATAN SAGA NG 1972 – “ARAW NG KATATAGAN”
Nakiisa ang 5th Infantry ‘Star” Division, Philippine Army sa Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Palanan, Isabela sa makasaysayang paggunita ng MV Karagatan Saga ng 1972, na opisyal na kinilala bilang “Araw ng Katatagan”, noong Hulyo 4, 2026 sa MV Karagatan Bantayog ng Katatagan sa Palanan, Isabela.
Itinampok sa pagdiriwang ang kahalagahan ng insidente ng MV Karagatan bilang isang makabuluhang yugto sa kasaysayan ng bansa na nagpatunay sa tapang, pagbabantay, at dedikasyon ng mga sundalong Pilipino at mga pamayanan sa pangangalaga ng kapayapaan at pambansang seguridad. Mahigit limang dekada na ang lumipas, nananatili itong paalala ng kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng pamahalaan, puwersang panseguridad, at mamamayan sa pagharap sa mga banta at sa patuloy na pagprotekta sa bayan.

Tampok sa aktibidad ang Wreath-laying at Candle-lighting Ceremony, audio-visual presentation, at pagbasa ng Resolution No. 2026-071 ng Sangguniang Bayan ng Palanan na pinangunahan ni Sangguniang Bayan Member ng Palanan, Hon. Theo Angelo A. Garcia, na nagdedeklara sa bawat ika-4 ng Hulyo bilang “ARAW NG KATATAGAN: THE MV KARAGATAN SAGA OF 1972.” Layunin ng deklarasyong ito na mapanatili ang makasaysayang kahalagahan ng pangyayari at maipasa ang mga aral ng pagmamahal sa bayan, sakripisyo, at kolektibong pananagutan sa mga susunod na henerasyon.
Ang lahat ng mensahe ay nakatuon sa kahalagahan ng MV Karagatan Saga, na sumisimbolo sa matibay na diwa ng mga Pilipino sa pagtatanggol ng kapayapaan at kalayaan. Ang paggunitang ito ay hindi lamang pagbibigay-pugay sa mga tagumpay ng nakaraan, kundi pagkilala rin sa patuloy na responsibilidad ng bawat Pilipino na mag-ambag sa pangmatagalang kapayapaan, pagkakaisa, at nation building.

Dumalo sa pagdiriwang bilang Guest of Honor at Tagapagsalita si Hon. ANGELO A. BERNARDO, Municipal Mayor ng Palanan, Isabela. Pinasinayaan din ng iba pang mga opisyal kabilang sina Brigadier General Rhoderick L Parallag, Commander ng 502nd Infantry Brigade, Philippine Army; Police Brigadier General Mariano C Rodriguez, Regional Director ng PRO2; Colonel Alan G Espela, Division Inspector General, 5th Infantry Division, Philippine Army; Police Colonel Manuel B Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office; Colonel Randy L Pagunuran, Group Commander ng 2nd RCDG, Philippine Army; Colonel Mark Anthony P Madduma, TOG 2; Colonel Vladimir Gracilla, Executive Officer ng 502nd Infantry Brigade, Philippine Army; at Lieutenant Colonel Ericson C Bulosan, Commanding Officer ng 95th Infantry Battalion, Philippine Army, Colonel Oliver Logan, General Staff Corps (Infantry), Philippine Army. assistant Chief of staff for operations, G3 Philippine Army.
Kasama rin ang mga lokal na opisyal, puwersang panseguridad, mga stakeholder, at mga kasapi ng komunidad sa makabuluhang paggunita.

#MVKaragatanSagaof1972
#arawngkatatagan
#AAB
#AksyonAgadparasaBayan
#bimbobettyonthego
#ArangkadaPalanan

Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela