PALANAN, ISABELA PABATID SA PUBLIKO:
Bilang pagkilala sa masigasig na pakikilahok ng mga guro at mag-aaral sa matagumpay na pagdiriwang sa katatapos na 2025 Sabutan Festival at Patronal Town Fiesta, ang araw ng Huwebes, HULYO 24, 2025 ay idineklarang WALANG PASOK, ayon sa kautusan ng Punong Alkalde, Kgg. ANGELO A. BERNARDO.
ANG NASABING ARAW AY PARA LAMANG SA MGA GURO AT MAG-AARAL NG DEPARTMENT OF EDUCATION.
Ang araw na ito ay layong bigyang-daan ang kinakailangang pagbawi o pahinga mula sa kanilang aktibong partisipasyon sa mga gawaing pangkultura at pangkomunidad. Ito rin ay pagpapahayag ng pasasalamat ng Pamahalaang Lokal sa dedikasyon ng sektor ng edukasyon sa pagpapaunlad ng identidad at diwa ng ating pamayanan.
Magpapatuloy ang serbisyo ng mga ahensyang may tungkulin sa Kalusugan, Emergency, at Kapayapaan.
Maraming Salamat po.
#sabutanfestival2025
#PatronalTownFiesta
#PalananIsabela