
PHILHEALTH CONSULTATIVE MEETING


Nagpatawag po ng pagtitipo ang ating butihing Mayor Bimbo Bernardo upang magkaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng Municipal Health Board upang talakayin ang mga Isyu at Benepisyo ng Philhealth Program kasali din dito ang pagtalakay sa bagong programa ng Ahensya na E-Konsulta. Dinaluhan ang mga kinatawan ng PhilHealth LHIO Cauayan, Co-Chairman ng Municipal Health Board na si Dr. Atienza, SB on Health Mona Atanacio, LNB Pres Angelina Bernardo at iba pang mga Miyembro ng LBH.
Layunin ng pagpupulong na ito na mapaganda ang serbisyong pangkalusugan sa ating bayan katuwang ang ahensya ng PhilHealth.
#AksyonAgadParaSaKalusuganNgBayan
————————————————
Gusto mo ba ng HEALTH UPDATES? Lumapit lamang sa pinakamalapit na Brgy. Health Station at sumangguni rin sa RHU-Palanan mula LUNES hanggang BIYERNES, 8am-5pm.
Tumawag at magmensahe:
RHU Hotline: 0935-204-3871
HEPU Hotline: 0977-293-8925