Skip to main content

Pinansyal na Tulong, Scholarship at Bigas, Ipinamahagi sa Mahigit 700 Benepisyaryo sa Palanan

PALANAN, ISABELA: May 28, 2026
Isang makabuluhang araw sa Palanan, Isabela kung saan isinagawa ang awarding ng Financial Assistance at pamamahagi ng bigas para sa mga benepisyaryo ng iba’t ibang programa ng Provincial Government of Isabela (PGI):
🏢 Isabela Initiatives to Support Enterprises (I-RISE): 187 recipients
🎓 Isabela Scholarship Program (ISSP): 126 recipients
🍚 Monthly Rice Distribution (MRD): 419 recipients
Sa ilalim ng masigasig na pamumuno ni Isabela Governor, Hon. Rodolfo T. Albano III at Vice Governor, Hon. Francis Faustino “Kiko” A. Dy, katuwang ang Provincial PESO Manager Ms. Jeng Reyes, matagumpay na naisakatuparan ang programang ito na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal, suporta sa edukasyon, at pangunahing pangangailangan sa pagkain para sa mga kababayan natin sa Palanan.
Kasama sa aktibidad ang aktibong Municipal Mayor ng Palanan, Hon. Angelo “Bimbo” A. Bernardo, Municipal PESO Manager Designee Ms. Myrose Baricaua Alvarez, at ilang opisyal ng LGU Palanan, kabilang sina LNB President, Hon. Angelina A. Bernardo at SK Federation President, Hon. Alphonse Joaquin B. Bautista, na patuloy na nagsusulong ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng bawat Palaneño.
Ang mga programang ito ay hindi lamang nagbibigay ng agarang tulong, kundi nagsisilbing tulay tungo sa mas matatag na kabuhayan, mas maliwanag na kinabukasan, at mas inklusibong komunidad.
Sa bawat bigas na naipamahagi, sa bawat estudyanteng natulungan, at sa bawat pamilyang nakatanggap ng suporta, muling pinatutunayan na ang Isabela ay lalong nagiging matatag sa ilalim ng pamumuno na may malasakit, pagkakaisa, at tunay na serbisyo para sa tao.
Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela