Rabies Awareness Month

Nagkaroon po ng Information Education campaign bilang nahagi ng pagselebra ng Rabies Awareness Month ngayong Marso sa mga mag-aaral ng Palanan Central School sa pagtutulungan ng RHU-Health Education Promotion Unit na pinapangunahan ni Ma’am Lorilyn Palattao kasama ang kanyang team at ng ating ang Municipal Agriculturist Dr. Jose Marie G. Monteclaro at kanyang mga Staf. Naibahagi sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
✔️Responsableng pet owner
✔️Pagpapabakuna sa ating mga alaga
✔️Mga dapat gawin at iwasan para di makagat at makalmot ng mga alagang hayop
✔️Mga dapat gawin kapag tayo ang nakagat o nakalmot ng ating mga alagang hayop
Huwag hayaang gumala ang mga alagang aso at pusa. Iparehistro at pabakunahan ang mga alaga!
#Rabies-free na pusa’t aso, para sa kaligtasan ng bawat isang Pilipino!🐾🐾🐶😺



Copyright © 2016. Municipality of Palanan, Province of Isabela. All rights reserved.

Powered By:

Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela