
Rapid Coverage Monitoring
👀 TIGNAN 👀 || Rapid Coverage Monitoring (RCM) and Occular Survey
05.19.2023
Nagpunta ang Cagayan Valley Center for Health and Development Regional Director Amelita M. Pangilinan, MD, MPH, CESO IV sa ating bayan noong Huwebes, ika-19 ng Mayo. Isa sa mga layunin ay upang isagawa ang Rapid Case Monitoring (RCM) ng kasalukuyang aktibidad na Measles, Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MROPVSIA). Nilalayon ng RCM na suyurin ang kasuluksulukang lugar upang balikan at hikayatin ang lahat ng 0-59 mos old na magpabakuna upang makamit ang Herd Immununity sa mga sakit na Tigdas at Polio. Naikot ang ilang Barangay kasama ang NIP cluster head na si Ma’am Jermaine Farrah Cepeda, Ma’am Claire Inocencia R. Bunagan, DMO IV, Ma’am Lavinia Liban ng RESU.
Kasama sa binisita ni Regional Director Pangilinan ay ang Palanan Station Hospital na isang 10-bed infirmary hospital. Nagpunta din ng team ang mga pinakamalalayong sitio ng ating bayan. Layunin ng ating Director na mapaganda at maisaayos ang Health System ng mga Munisipalidad sa Coastal Area.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging instrumento upang maging maayos, mapayapa at matagumpay ang nasabing aktibidad sa pangunguna ni Mayor Angelo Bernardo na siyang una ng nakausap ni RD Pangilinan noong pagpupulong ng Universal Health Care sa Ilagan, Isabela.
Maayos at produktibong naipatupad ang nasabing aktibidad sa sa iba’t ibang Baranggay ng ating Bayan. Inaasahang makakamit ang 100% rate ng MROPVSIA pagkatapos maisagawa ang iskedyul ng Catch-Up Immunization hanggang katapusan ng Mayo.
#WalangBatangMaiiwan #ChikitingLigtas #BidaAngGIDA #aksyonagadparasabayan