Ribbon Cutting Ceremony at Pagbabasbas ng MARIKIT DAY CARE CENTER
Ipinagdiwang ngayong araw ang Ribbon Cutting Ceremony at Pagbabasbas ng MARIKIT DAY CARE CENTER sa Barangay Marikit at BIGANIA OVERFLOW BRIDGE sa Barangay Dicayuan.
Pinangunahan ang makabuluhang kaganapan nina Mayor ANGELO A. BERNARDO at Vice Mayor Betty Bernardo Ochoa, kasama ang mga Sangguniang Bayan Members at mga Punong Barangay sa pangunguna ni LNB President ANGELINA A. BERNARDO. Dumalo rin ang mga Head of National Agencies at mga kinatawan bilang patunay ng kanilang suporta sa mga proyektong pangkaunlaran.
Ang pagbabasbas ay pinangunahan ni Rev. Fr. SETH JESSYL F. ESPINA, OFM ng St. Mary Magdalene Parish – Palanan, na nagbigay ng panalangin para sa kaligtasan, kaayusan, at patuloy na pag-unlad ng komunidad.
Ang mga proyektong ito ng pamahalaan ay malinaw na patunay ng patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan, katuwang ang simbahan at iba’t ibang ahensya, upang maihatid ang tunay na serbisyo at pag-unlad sa komunidad.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/v/19TqKtv6xu/