Skip to main content

Selebrasyon ng 2026 Sabutan Festival at Patronal Town Fiesta

Bilang isa sa mga tampok na aktibidad sa Selebrasyon ng 2026 Sabutan Festival at Patronal Town Fiesta, malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng mga talentadong Palaneño na lumahok sa isang makulay na Paligsahan/Contest.

“SINING AT GALING: HUSAY NG PALANEÑO!”
Halina’t ipakita ang inyong husay at galing sa larangan ng sining at talento! 🎭✨
🎭 Mga Mekaniks ng Paligsahan

Tampok sa aktibidad ang Wreath-laying at Candle-lighting Ceremony, audio-visual presentation, at pagbasa ng Resolution No. 2026-071 ng Sangguniang Bayan ng Palanan na pinangunahan ni Sangguniang Bayan Member ng Palanan, Hon. Theo Angelo A. Garcia, na nagdedeklara sa bawat ika-4 ng Hulyo bilang “ARAW NG KATATAGAN: THE MV KARAGATAN SAGA OF 1972.” Layunin ng deklarasyong ito na mapanatili ang makasaysayang kahalagahan ng pangyayari at maipasa ang mga aral ng pagmamahal sa bayan, sakripisyo, at kolektibong pananagutan sa mga susunod na henerasyon.
Ang lahat ng mensahe ay nakatuon sa kahalagahan ng MV Karagatan Saga, na sumisimbolo sa matibay na diwa ng mga Pilipino sa pagtatanggol ng kapayapaan at kalayaan. Ang paggunitang ito ay hindi lamang pagbibigay-pugay sa mga tagumpay ng nakaraan, kundi pagkilala rin sa patuloy na responsibilidad ng bawat Pilipino na mag-ambag sa pangmatagalang kapayapaan, pagkakaisa, at nation building.

1. Sino ang maaaring sumali:
• Bukas sa lahat ng Palaneño, edad 13 pataas.
• Maaaring sumali bilang solo performer, duo, o grupo.
2. Mga Kategorya:
• Pag-awit 🎤
• Pagsayaw 💃🕺
• Instrumental na Tugtugin 🎸🎹
• Malikhaing Tindig (ex. spoken word, skit, visual art performance (atleast 5 minutes), comedy act)
3. Pagpaparehistro:
• Magparehistro sa HR Office, LGU-Palanan.
• Hanggang Hulyo 18, 2026 – 5:00 PM lamang ang pagpaparehistro.
• Isumite ang iyong pangalan, kategorya, at maikling paglalarawan ng pagtatanghal.
4. Elimination Round:
• Gaganapin sa Hulyo 18, 2026 – 8:00 PM sa Banchetto.
• Bawat kalahok ay magtatanghal ng isang piyesa o act HINDI LALAGAPAS SA 5 MINUTO.
5. Grand Finals:
• Ang mga mapipiling kalahok mula sa elimination ay magtatanghal sa Grand Finals na gaganapin sa Hulyo 20, 2026.
6. Mga Alituntunin:
• Ang pagtatanghal ay dapat disente at angkop sa kulturang Palaneño.
• Ipinagbabawal ang paggamit ng mapanganib na props o nakakasakit na nilalaman.
• Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na mababago.

Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela