Skip to main content

SSS E-Wheels Caravan, Matagumpay na Isinagawa sa LGU Palanan

PALANAN, ISABELA
Isinagawa ng Social Security System (SSS) ang E-Wheels Caravan sa Local Government Unit ng Palanan noong May 19–20, 2026, sa pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Palanan, Isabela sa pamumuno ni Mayor ANGELO A. BERNARDO at SSS – Ilagan Branch, kaagapay si Acting Human Resource Management Officer-LGU Palanan, Sir Melvin D. Catilo.
Layunin ng programa na maghatid ng mas mabilis at maginhawang serbisyo sa mga miyembro, pensioners, at kababayan ng Palanan.
Marami sa mga dati nang miyembro, partikular ang mga senior citizens, ang nakapag-ayos ng kanilang accounts at pension, habang nabigyan din ng pagkakataon ang mga residente na maging bagong miyembro ng SSS.
Taos-pusong pasasalamat sa SSS – Ilagan Branch sa pamumuno ni Sir Jesus S. Gonzales , Branch Head at sa kanyang mga kasamahan, sa kanilang walang sawang suporta at dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyo para sa mga Palaneño.
Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela