
Weather Advisory
[EDITED] Nananatili sa ‘Typhoon’ category ang Bagyong ‘Mawar’ na nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility #PAR, ayon sa 4 p.m. update ng DOST-PAGASA. Huling namataan ang bagyo sa 2,170 km silangan ng Visayas. May dala itong lakas ng hangin na aabot sa 175 kph malapit sa gitna at pagbugsong nasa 215 kph. Gumagalaw ito ng north northwestward sa bilis na 10 kph.
Dahil nasa karagatan pa ang bagyo, posible pa ring muli itong lumakas bilang super typhoon sa susunod na 36 na oras. Maaaring pumasok sa PAR ang bagyong tatawaging #BettyPH sa May 26 (Biyernes) ng gabi o May 27 (Sabado) ng umaga. #News5
📸: DOST-PAGASA (Facebook, screenshot)