Skip to main content

Zero Open Defecation Program

Isang matagumpay na araw ng pamamahagi ng toilet bowls para sa ating minamahal na komunidad!
Lubos po ang aming pasasalamat sa pamunuan ng Cagayan Valley Center for Health and Developmenta sa pangunguna ni RD Amelita Pangilinan para sa probisyon ng mga ceramic bowls.
Pinangunahan ang mahalagang proyektong ito ng ating Butihing Mayor Angelo A. Bernardo, na patuloy na nagsusulong ng kalinisan at kaayusan sa ating bayan. Katuwang din natin ang Municipal Health Officer na si Dr. Clarish Gei L. Atienza at ang Rural Sanitary Inspector na si Ms. Charivel Manzano, na masigasig na nagbabantay sa kalinisan ng ating paligid.
Ang proyekto na ito ay naglalayong magbigay ng mas maayos at malinis na palikuran para sa lahat, isang hakbang tungo sa mas malusog at maayos na pamayanan. Sa pamamagitan ng kooperasyon at pagsisikap ng bawat isa, siguradong makakamit natin ang isang mas maunlad at malinis na kinabukasan para sa lahat.
Maraming salamat sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta at nagtutulungan para sa ikabubuti ng ating bayan. Sama-sama nating isulong ang kalinisan at kalusugan, dahil ang kalusugan ng bawat isa ay kalusugan ng buong bayan.
#UnliAsensoPagMayInodoro #BIDAangGIDA #ZeroOpenDefecation.

Official Website Palanan Municipality, Province of Isabela